Thursday, May 6, 2010

a letter to heaven

Francis,

Alam ko masaya ka na sa piling ni GOD ngayon.Nakakalungkot man dahil maaga mo kaming iniwan,unti-unti,natatanggap na namin ang pagkawala mo.

Maraming salamat sa mga alaala na ibinigay mo sa amin,lalo na sa akin.Sa mga nalalabi mong mga araw na ginusto mo akong makasama.I felt very sorry for the times that you needed me to be there.Gustuhin ko man na nandun ako sa tabi mo para damayan ka,hindi pwede dahil sa sitwasyon natin and i know you wont allow me.I know as a partner,marami akong naging pagkukulang sayo.Sana mapatawad mo ako dun at sa mga bagay na hindi ko naibigay.

GOD knows how much i love you.I've loved you more than my life.Kahit na naging mahirap para sa ating dalawa ang ipaglaban ang pagmamahalan natin.Siguro nga pinili mo na hindi na magpaalam pa sa akin dahil ayaw mo akong saktan.Pero sana kung maibabalik ang mga panahong yon sana hindi mo nagawang maglihim sa akin tungkol sa totoo mong kalagayan.

Ang sarap balikan ng mga alaala mo ...kung paano tayo sabay na nangarap para sa isa’t-isa,our future plans...the things that you love to do most…ur plan of buying a car...putting up your own business,owning a company--"ARCE",tumulong sa maraming tao...Nakakalungkot isipin na hindi mo na maisakatutuparan ang lahat ng mga yon.Lahat ng mga bagay na ito ay mananatiling pangarap na lamang.

Sana lagi mo kami ipagpipray kay GOD na ingatan kami sa lahat ng oras.Hindi ka namin makakalimutan francis.Ikaw na puro kasiyahan at kakulitan ang ibinigay sa amin.Ang remarkable mong quote,”ANG IMPORTANTE,CUTE KA PA RIN”.Kapag nalulungkot kami,ikaw ang nagpapangiti sa amin kahit na mismong ikaw ay may dinadalang problema.I’ll always be thankful na kahit sa sandaling panahon lang,nakilala at nakasama kita sa isang chapter ng buhay ko.Ganun man kaikli ang paglalagi mo sa buhay ko,naging makabuluhan naman ang lahat ng mga oras na nakasama kita.Thank you for all the memories,for the knowledge that you shared with us.Mananatili sa puso at isipan namin ang mga itinuro at mga alaala mo.

You've been my very good companion,my best criticizer,my mentor and my bestfriend.You have taught me lessons in life---how to live life,give life to life and hurdle obstacles in life.You have guided me from simple to complicated problems.Kapag nagkakamali ako you never get tired of redirecting me.You always have a shoulder and a hand for me.You were my strength…pero ngayong wala ka na,hindi ko alam kung paano ako magiging malakas para harapin ang buhay na wala ka.Hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli ng panibagong buhay.Akala ko madaling tanggapin na talagang wala ka na pero ang totoo hindi pala ganun lang yon.Habang buhay kitang mamahalin francis.Hindi mo ginawang madali para sa akin na kalimutan ka.

With so much love,
Lorna

1 comment:

  1. parang ang bilis ng panahon, 40 days na pala ang nkakalipas simula ng mawala si Sir Kiks. Parang kelan lang anjan pa sya alive and kicking. Kagabi dun ako natulog sa Quintos, hindi ko alam kung imagination lang ba yun pero in the middle of my deep sleep nagising ako then napatitig ako sa electric fan sa sulok, i don't know why pero parang may nakatayo sa likod ng fan. Unang pumasok sa isip ko si sir francis, medyo natakot din ako pero pinilit ko nalng ulit bumalik sa pagkakatulog. Naisip ko siguro totoo na hanggang 40 days lang talaga ang kaluluwa, siguro way nya un to say farewell. Kung asan man si sir ngayon I hope he's happy.

    ReplyDelete